5 Important Gadgets In My Online Journey
Sino ba kasing nagsabing techy ako? Wala kaya kayong ebidensya!
Sharing is caring!
Tanong nga ng paborito kong pamangkin na inaanak ko rin,
“Si Ninang sosyal! Mommy bakit ang sosyal ni Ninang?”
Aba! Kabata-bata pa, marunong ng kumilatis ng sosyal!
Well, hindi naman talaga ako sosyal. Mahilig lang talaga ako sa mga gadgets na alam kong makakatulong ng malaki sa mga ganap sa aking life.
Yes techy talaga ako, pero sobrang piling-pili ang mga gadgets na talagang pinag-iipunan ko.
Marami pa ngang nasa listahan, pero darating din ang panahong mabibili ko rin sila!
Eh, hindi pa ngayon ang panahon na yun. Kaya dito muna tayo sa Part 1 ng mga gadgets ko.
Oh yes! Part 1 muna, sigurado namang magkakaroon ng Part 2 eh!
Sa Part 1 na toh, eto ung mga pinaka basic na gamit ko sa everyday life.
Dahil Work-From-Home ako, kaya mas nag-invest ako sa limang bagay na to.
Gadget #1
Aba! Syempre, Laptop! Kung mas taong bahay ka, pwede rin namang Desktop Computer. Pero dahil isa akong on-the-go freelancer, kung saan-saan napapadpad kaya mas mahalaga sakin ang Laptop.
When I bought my laptop last July 2016, I don’t have enough money kaya nag-ipon ako ng mga 20-30% nung price tsaka ko ina-apply sa HomeCredit. Kapag bumibili pa naman ako ng mga gadget, sobrang specific ako sa details. Dapat kahit paano, mejo advance ng konti para pang matagalan.
What I love with this laptop is the following features below:
- Windows 10
- NVIDIA® GeForce®
- 8GB DDR3L
- 1TB HDD
- 5th Generation Intel® CoreTM i7 processor
- 15.6″ FHD 1920 x 1080 anti-glare
- 360º Flip-and-Fold Design
Full Specification details here in Lenovo website
That time, the deal is good. Kaya pumunta ako agad sa CompLink PH sa may SM North Edsa. Nag-bigay lang ako ng 15k for downpayment. The remaining balance is under HomeCredit na. Schedule is payable to only 9 months para mejo mabilis lang din matapos. Mga nasa 4k per month lang ung binayaran ko.
ASENSO TIP 101:
Mas malaki ang chance na ma-approve ang loan mo through HomeCredit kapag ang downpayment mo ay nasa 20-30% of the price. Advisable ang HomeCredit kung hindi mo kaya ng biglaan ang budget. And mas piliin mo ang shorter terms, para sandali lang ang takbo ng loan. Kasi the longer your loan, kahit mababa ang monthly amortization, mas malaki ang interest na binabayaran in total. Kaya choose HomeCredit basta marunong ka mag-bayad ng utang mo!
Unfortunately, this brand is no longer available in the market but as of this writing, this gadget is still good and working for me. Still got a good deal with that.
Gadget #2
This mouse is actually inspired by my previous supervisor in the BPO Company way back in 2016. Nung chineck ko sa internet by 2017, may bagong edition kaya un ang binili ko.
What I love about this mouse is these features below:
- Wireless Technology
- You just need to lie it flat to turn it off (Not bulky when traveling)
- Scrolling function that includes horizontal scrolling
I originally bought it sa Amazon. Until now, it’s still good and working for me.
Check it on Amazon or Lazada.
Gadget #3
It’s actually not part of the plan when I bought it. As in, nasira lang ung isa kong pointer and that day, kailangan ko ng presenter. Hindi na sana ako bibili, pero since I am going to present a very important deck sa isang client ko kaya napilitan akong maghanap before the meeting.
So far, it’s the best presenter that I have used.
What I love with this presenter is:
- Transmission range is up to 20m
- Plug & Play
- Optical Finger Navigation button (OFN)
Ung OFN talaga ung pinaka best feature nya! Hindi lang slide up and down, left or right. Meron itong mouse-like scroll navigation and left-click function of a mouse. The best sya sa mga presentations and demos.
Nabili ko sya sa Gilmore Inc. sa may Fishermall, Quezon City (5th Floor) pero available na rin sya sa Lazada.
Gadget #4
Gadget nga ba to? Well, gusto ko parin siyang isama sa listahan kasi helpful sya for me.
I have a wired broadband with 25 mbps speed as per advertising. Hindi ako magaling sa mga ganitong bagay, pero nag-try parin ako mag-search at mag-compare.
When I am using the Wi-Fi, it would consume from 15-20 mbps which is faster pero sa dami ng workload ko minsan, I need to at least maximize the 25 mbps. That’s why this tool is useful for me. I can connect on my broadband internet with almost 23-24mbps in speed which is good.
RJ45 STP CAT 7 Flat Gigabit Ethernet Network Cable
Speedtest via Wifi: Click here
Speedtest via Cable: Click here
What I love with this RJ45 cable is:
- Gold Plated RJ45 connector
- 10m Flat cable (Long enough to connect in my laptop)
- 10Gbps High Speed
I bought it in Lazada.
Gadget #5
Gadget din ba to? Well, useful din kasi itong tool na ito kaya it’s worth it to share.
Madalas sa mga presentations ko, wala silang HDMI connector kaya ang ending, hindi ko nagagamit ang laptop ko for presentations. Nahihirapan din ako to transfer files from my laptop to flash drives. Lalo na pag marami. And ang isa pang benefit sakin, is nagagamit ko sya for my 2nd screen, para naka dual screen ako pag working.
1080P HDMI Male to VGA Female Video Converter Adapter Cable
What I love with this connector is:
- HDMI Input and VGA Output
- Low Price
- Quality
I also bought it in Lazada.
Let’s wrap it up, ito ung mga useful gadgets and tools na ginagamit ko everyday.
For me they are helpful in my online journey, investing in one of these is totally worth it.
Ikaw?
Ano ang Top 5 Gadget na very helpful sa iyong online journey? Comment it below.